Advertisers

Advertisers

Titser, 6 pa sangkot sa Cebu hazing kinasuhan na

0 142

Advertisers

Sinampahan na ng kasong homicide at violation of Anti-Hazing Act ang pitong suspek na sangkot sa pagkamatay ng University of Cebu student na si Ronnel Baguio noong Disyembre 2022.

Tumanggi ang Public Attorney’s Office Region 7 na pangalanan ang mga respondents dahil nagpapatuloy pa ang preliminary investigation kaugnay nito.

Ayon sa pulisya, mayroon silang matibay na ebidensya laban sa mga suspek at kabilang dito ang isang guro.



Matatandaan na pumanaw si Baguio ilang araw nang sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity sa Cebu City.

Batay sa kanyang death certificate, nagtamo si Baguio ng severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung injury at acute kidney injury secondary to rhabdomyolysis.

Umaasa naman ang ina ni Baguio na makakakuha ng hustisya ang kanyang anak.

Noong Marso 4, nagkasa ang PAO at National Bureau of Investigation-Region 7 ng joint investigation sa pagkamatay ni Baguio ayon sa direktiba ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">