Advertisers
NASAWI ang dalawang angkas ng motorsiklo at sugatan ang 17-anyos na rider nang sumalpok sa isang truck sa Cuenca, Batangas.
Nangyari ang trahedya Linggo ng gabi sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Dita.
Ayon kay Police Major Ernie Delos Santos, hepe ng Cuenca Police Station, nag-overtake ang menor de edad na rider sa isang sasakyan, at bumangga ito sa nakasalubong na truck na patungong Lipa City.
Nasawi ang dalawang nakaangkas sa motorsiklo na mga edad 16 at 19 anyos.
Ayon sa pulisya, galing sa inuman ang mga biktima at pauwi na nang mangyari ang insidente.
Sa kuha ng CCTV camera, makikta na magkakasunod na dumaan ang mga tanker truck, nang biglang may sumulpot na motorsiklo at sumalpok sa isa sa mga truck.
Ayon sa pulisya at kaanak ng mga biktima, nakipag-ugnayan na sa kanila ang may-ari ng truck na nasangkot sa insidente.