Advertisers

Advertisers

Alfred kinilabutan nang makaeksena sina Nora, Gina at Jaclyn

0 113

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NATAPOS na ang shooting ng pelikulang Pieta na bida si Nora Aunor. Mula ito sa  joint venture ng Alternative Vision Cinema ni Coun. Alfred Vargas at Noble Wolf Films.
Hindi lang basta producer si Coun. Alfred ng nasabing  pelikula, kundi kasama rin siya sa cast. Ang ilan pa sa  mga artista ng Pieta ay sina Jaclyn Jose, Gina Alajar, Bembol Roco, Angeli Bayani, Ina Raymundo, Tommy Alejandrino, Jak Roberto, at marami pa.
Isa sa hinding-hindi makakalimutang eksena ni Coun. Alfred sa Pieta ay nang sama-sama sila nina Ate Guy, Jaclyn, at Direk Gina sa isang mabigat na eksena.
“Una, hindi ako makapaniwala. Meron kasing ano na isang eksena, nagsama-sama, Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose. Tapos nandun ako sa gitna,” kuwento ni Alfred sa panayam sa kanya ng Pep.ph.
Patuloy niya,”Feeling ko, nasa Marvel Universe ako! Pag tumingin ako paganun, sabi ko… grabe, mga titans talaga! Mga superheroes, superstars ang mga nandiyan.
“So, ako, parang grabe! Hindi ako makapaniwala. Buti na lang, meron kaming rehearsals.
“Pero alam mo, dito ko masasabi, magagaling ang lahat na mga kasama ko. Marami kang matututunan. Madadala ka. Dadalhin ka ng galing nila!”
Ano ang reaksyon niya nang nagkasama-sama sila sa eksenang iyon?
“Ang reaksiyon ko, kahit naman ako, hindi ko naman in-expect na mangyayari iyon!” masayang sabi ni Coun. Alfred.
“So, siguro may halo nang suwerte. Tapos siguro, sabihin ko na rin… baka meant to be talaga.
“And alam mo, nung eksena pa lang, nagharap sina Direk Gina Alajar, Nora Aunor saka Jaclyn Jose, may kilabot factor talaga.
“Parang feeling ko, yung eksena na umiikot ka dun sa mga Marvel superheroes na bibilib ka talaga, yung feeling mo.”
***
SA interview pa rin ng Pep.ph kay Boobay, kinumpirma ng komedyante-TV host ang balitang pansamantala siyang hindi mapapanood sa late-night weekly show ng GMA-7 na The Boobay and Tekla Show dahil pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang kalusugan.
Marami kasi ang nag-alala nang labis para sa kalagayan ni Boobay nang magkaroon siya ng silent seizure sa live guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong April 20, 2023.
Ito ang isa sa mga dahilan kaya magbabakasyon muna ang komedyante mula sa comedy talk show nila ni Super Tekla sa Kapuso Network.
“Yes, po. Pansamantala lamang po ay hindi muna ako makikita sa The Boobay and Tekla Show,” pagkumpirma ni Boobay.
Patuloy niya, “Okay naman po ako. Naka-lifetime maintenance medicine po ako. Twice a day na po ako nagte-take ng gamot na pang-anti-seizure.
“Kailangan lang po muna na i-observe kung magiging effective po ang gamot ko.
“At sa kabutihang palad naman ay hindi na po ulit ako nagka-seizure simula nung nagpa-check up po ako at nag-take ng gamot.
“Kailangan ko na lang po ng clearance mula sa aking doktor para makabalik na po ako sa taping.”
Naiintindihan daw ni Boobay ang pasya ng management ng GMA-7 na pagpahingahin muna siya. Kaya ipinapaabot niya ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagmamalasakit at nagdarasal para sa kanyang kalusugan.
“Sobra po ang pasasalamat ko sa mga Kapuso na masugid na nakasubaybay sa bawat episode namin, sa aming pamilya sa The Boobay and Tekla Show, at sa aming mga boss sa GMA-7.
“Maraming-maraming salamat sa GMA-7 management dahil sa pang-unawa, concern, at pagmamahal nila sa akin,” aniya pa.