Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NA-sad ang Magandang Buhay host at singer actress na si Regine Velasquez-Alcasid nang mag-viral matapos lamunin ng apoy ang Manila Central Post Office.
Naging part kasi ng kanyang buhay ang Manila Central Post Office.
Matatandaan noong 2002, dito nag- shoot ang film nina Regine at Richard Gomez na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon.
Isang postal clerk ang role ni Regine sa nasabing Office.
Kaya di maialis ng kanyang co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na damayan si Regine sa nadaramang kalungkutan.
Kahit ang mister na si Ogie Alcasid ay nagbahagi rin na naging part ang Manila Central Post Office nang mag shoot din dito.
***
Jessy may resbak sa hirit ni Luis, “Pagalingin ko muna ang sugat”
NAGING viral ang lambingan ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola online.
Ibinahagi ni Jessy sa IG ang isang pic nilang mag ina habang karga nito si Baby Peanut.
Maraming natuwa na netizens na parang biglang laki ni Baby Peanut na kahit mismo si Jessy ay nagtataka sa mabilis na paglaki ng kanilang panganay ni Luis.
Sa nakitang larawan ni Luis sa kanyang mag ina sa IG ay napakomento ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano sa kanyang esmi.
Na-shock ang netizens sa komento ni Luis sa asawa na puwede na raw sila gumawa ng isa pang baby.
Sinakyan naman ni Jessy ang hirit ng asawa sabay sabi na magpapagaling lang ito ng sugat.
Maraming napakomento na netizens sa lambingan ng couple online.
Well, well, well…’Yun na!