Advertisers

Advertisers

MIF PERWISYO ‘DI BENEPISYO – SEN. PIMENTEL

0 161

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na tututulan niya ang sertipikasyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill, na pinaniniwalaan niyang mas “nakakapinsala kaysa sa kapaki-pakinabang” sa mga Pilipino.

“Maraming bills ang naipasa sa past weeks, ‘di naman nila masasabi tayong humahadlang sa mga panukalang batas na ina-aprub. Pero itong Maharlika perwisyo hindi benepisyo,” ani Pimentel.

Dagdag pa niya, gagawin niya ang lahat para tutulan ang panu-kalang batas ngunit susundin pa rin niya ang mga patakaran.



Aniya, ang panukalang batas ay hindi urgent at ang ideya ay “ganap na mali.” Binanggit niya na sa Norway, tinalakay ng gobyerno ang konsepto sa loob ng 12 taon at kinonsulta ang lahat nang hindi nagmamadali.