Advertisers

Advertisers

COLLECT-TONG “TAGOY” AT HERO, KALADKAD ANG PANGALAN NG CAVITE GOVERNOR!

0 1,165

Advertisers

BUKOD pala sa pangangaladkad sa pangalan ni Cavite Provincial Director Col. Christopher Olazo ay ginagamit din ng isang nagngangalang alyas” Tagoy” at Hero si Gov. Junvic Remulla sa kanilang tong collection activity sa mga iligal na pasugalan sa Cavite.

Si Tagoy na kilala din sa kanyang mga alyas na MSgt. Sevilla at Santiago na dating miyembro ng Western Police District ngunit nasibak sa serbisyo dahil sa mga katiwalian at pagiging ninja cop ay nag-concentrate sa kanyang collect-tong status na nakadikit na sa kanyang pangalan dahil ito ang naging trabaho niya sa lahat na naging assignment noong siya ay alagad pa ng batas.

Kapartner ni Sevilla sa collect-tong activity ang isang Hero, miyembro ng notoryus na grupong Cavite Governor’s Squad na kinakalakal ang pangalan ng walang kamalay-malay na Governor Junvic Remulla sa pagpapatakbo ng mga iligal na pasugalan at pangongolekta ng protection money sa mga iligalista sa Cavite.



Anang ating KASIKRETA sa WPD at Cavite PNP likas ang kakapalan ng mukha at kawalanghiyaan ni MSgt. Sevilla aka Santiago Tagoy, na kilalang expert sa paghahanap ng pagkakakitaan kaya nenegosyo ng mga nauupong district o provincial director- ginawa itong “intelhencia officer” o taga-kolekta ng lagay sa mga operator ng Perya ng Bayan (PnB)-con jueteng, online gambling ng EZ2, loteng, Pick 3, sakla, pergalan (perya at sugalan), paihi, illegal passenger van at terminal at iba pang uri ng kailigalan.

Bukod sa sugalan ay pinaglalagay din nina MSgt. Sevilla aka Santiago/Tagoy ng weekly payola ang mga financier/operator ng kalakalan ng droga sa Cavite kapalit ng protection money.

Liban sa pagiging collect-tong ay operator din si “Tagoy” ng online gambling, kasosyo si Hero at ang isang Don ang Davao based gambling lord at malayang nag-ooperate ng online bingo, EZ2, Pick 3 hindi lamang sa pitong mga siyudad at 16 na munisipalidad ng Cavite kundi maging sa lahat na mga lalawigan ng CALABARZON area.

Hindi lamang sa online gambling, kumikita ng milyones sina MSgt. Sevilla aka Santiago/ Tagoy, Hero at Don kundi maging sa pagpapatakbo ng sangkaterbang saklaan sa hometown ni Col. Olazo na bayan ng Silang. Isang alyas MSgt. Maala na bata-bata ng isang heneral at Jake ang kasosyo nila (Tagoy at Hero) sa araw at gabing pasakla sa Silang bagamat ang mga saklaang ito ay “nasa tungki lamang ng ilong” ni Silang Police Chief LtCol. Romulo Dela Rea.

Hindi lamang online gambling at mga saklaan ang pinatatakbo nina Tagoy at Hero sa bayan ng Silang kundi pati na ang PnB-con jueteng, kaya mistulang robot si LtCol. Dela Rea ni MSgt. Sevilla aka Tagoy/Santiago at Hero sa Silang, pagkat hindi naman nito maaksyunan ang mga kailigalan nina MSgt. Sevilla aka Santiago/Tagoy na deklarado sa Cavite Provincial Police Office na siyang “kausapin” sa anumang operasyon ng iligal na pasugal sa hurisdiksyon ng Cavite.

Liban sa Silang may malaking koleksyon din ng taya na kung tinatagurian sa Cavite Provincial Police office ay gerilya type ngunit hayag na iligal na PnB-con jueteng nina MSgt. Sevilla aka Santiago/Tagoy at Hero sa siyudad ng Gentri at munisipalidad ng Naic.



Kung may natitira pang kahihiyan at delicadeza si LtCol. Dela Rea, pagkat di rin naman nito nagagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin lalo na laban sa operasyon nina Tagoy, Hero,Don,alyas MSgt. Maala, Jake sa operasyon ng gambling online, saklaan at PnB-con jueteng sa kanyang AOR, dapat ay magbitiw na ito sa kanyang pwesto?

Ganito rin ang dapat gawin ng mga police chief ng Gentri City at Naic town bago pa man makaabot sa kaalaman ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ang di maayos na peace and order situation sa Cavite dahil nga sa mga pasugalang ginagamit ding front na bentahan ng droga sa mga siyudad at bayan sa nabanggit na probinsya.

Bilang superior officer nina LtCol. Dela Rea at iba pang hepe ng kapulisan, may malaking responsibilidad din dito si Col. Olazo sa ilalim ng Command Responsility doctrine.

Lantaran ang pamamayagpag ng mga pasugal sa bayang sinilangan ni Col Olazo nina MSgt. Sevilla aka Tagoy/Santiago, Hero, alyas MSgt. Maala at Jake pero tila walang pakiaalam ang dati ay masipag na Cavite top brass at maging ang mabunying Gov. Remulla.

Sa Cavite na kilalang nagkalat ang mga sigang nagsisilbing protektor ng mga iligal para walang hassle ang operasyon, ay ipinangangalandakan, ipinananakot din nina MSgt. Sevilla aka Tagoy/Santiago at Hero si Gov. Remulla sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ng gobernador sa mga kausap na mga financier ng lahat na illegal vices. May karugtong. Abangan…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.