Advertisers

Advertisers

GIBO SA MGA REBELDE: MAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

0 132

Advertisers

MULING nagpahayag ng pagtutol si Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa posibleng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines (CCP).

Ginawa ni Teodoro ang pahayag matapos maglabas ng statement ang National Democratic Front (NDF) na bukas umano ito sa muling pakikipag-usap sa gobyerno.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Teodoro na kahit noong hepe rin siya ng DND sa administrasyon ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ay ganito rin ang kanyang posisyon hinggil sa usapin.



Gayunman, ipinaliwanag ni Teodoro na kung malakas at matibay ang kanilang mga ipinaglalaban ay may tamang lugar at political process sa ilalim ng Saligang Batas.

Para sa kanya, hindi dapat na daanin sa anumang karahasan at pakikipaglaban sa gobyerno dahil dito aniya nagkakaroon ng problema.

Maliban dito, binigyang diin pa ng kalihim na para maging patas sa lahat ng gustong makakuha ng political power ay dapat idaan sa eleksiyon.

Dahil dito, hinimok si Teodoro ang mga rebelde na magbalik-loob sa batas o pamahalaan, sumali sa political process at kapag nanalo ay makipagsanib para sa national development. (Gilbert Perdez)