Advertisers

Advertisers

CUSTOMS SQUABBLE

0 326

Advertisers

Tila magkasalungat na direksyon ang tinatahak ng dalawa sa matataas na opisyal ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Patungkol ito sa memorandum order ni Customs Intelligence & Investigation Service (CIIS) Chief Alvin Enciso na pinadala kay Manila International Container Port (MICP) Collector Romeo Allan Rosales na nagbibigay direktiba na isailalim sa mahigpit na inspections ang mga container vans na mula bansang Tsina.

Minasama ito ni Collector Rosales panabay ang “total disregard” sa nasabing memo ni Enciso.



Hindi lamang ito pambabastos sa isang lawful order sa loob ng BOC kundi personal na disrespect sa hepe ng CIIS.

Ayon naman kay Enciso,may intelligence report ang kanyang tanggapan patungkol sa mga container vans mula China na naglalaman ng mga kontrabando.

Short of placing all shipments from China in red alert status.

Minasama ito ni Collector Rosales at itinuring ang nasabing memo as “intrusion” sa kanyang authority at kapangyarihan bilang MICP Collector.

Sa tag of war na ito ng opisina nina Rosales at Enciso,interes ng masang Pinoy ang nakataya.



What if ang Intel info ng CIIS ay totoo?

Di malayang nakapasok sa bansa ang mga palusot ng mga estabilisadong smugglers ng Aduana?

Kasama sa intelligence report ng CIIS ay mga agri products gaya ng asukal,bigas,sibuyas,bawang at iba pa.

Sino kayang grupo ang tinamaan sa memo na pinalabas ni Enciso?

Sinu- sino kayang mga big-time players sa smuggling racket na ito ang tinatarget ng CIIS?

Ilan sa mga kumpanyang mahigpit na mino-monitor ng opisina ni Enciso ay ang mga sumusunod;

AP Food Products, LDC Consumer Goods Trading, IRRV Specialized Goods Trading, KRMN Specialized Goods Trading, AP Hardware Materials Wholesaling, JLDCS Consumer Goods Trading at ang SRA Aggregate Trading.

Base sa intel report ng CIIS ni Enciso,mahigit sa 500 container vans ang nasa kanilang hotlist na umano’y naka-deklara bilang mga grocery items ngunit naglalaman ng mga puslit na agricultural products at highly taxable items.

Isa pang kaduda- duda sa mga mga kargamentong ito mula China ay ang katotohanang iisang broker lamang ang dinaanan at rehistradong sasalo ng mahigit 500 container vans na galing nga ng bansang Tsina.

Kinilala ito ni Enciso at ng CIIS na si Noel Taruc Urbano.

Isa pang kagulat- gulat na pangyayari ay ang naging reaksyon ni MICP Collector Rosales nang kanyang personal at literal na punitin at ibasura ang nasabing memo ni CIIS Chief Alvin Enciso.

What is in it in the said memo para magreact violently si Collector Rosales BOC Commissioner Rubio sir?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com