Advertisers

Advertisers

Cellfone buyer tigok nang pagpapaluin ng seller

0 154

Advertisers

NASAWI ang isang buyer ng cellphone nang pagpapaluin ng tubo sa ulo ng isang seller nang hindi umano magkasundo sa presyo Lunes ng gabi, Hunyo 19, sa Purok 7 Ilaya, Barangay Parian, Laguna.

Nakumbinsi ng salarin na si Elmer alyas “Bukol” ang biktimang si Domingo Ramilo Gonzales na bilhin ang kaniyang cellphone at nagkasundo sila sa tiyak na halaga 7:30 ng gabi.

Nang magbabayad na ang biktima, bigla umanong tinaasan ng salarin ang napagkasunduang presyo.



Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha ng bakal na tubo si Elmer at pinalo sa ulo si Gonzales. Bumagsak ang biktima at nawalan ng malay.

Nakatakas ang salarin, habang ang biktima ay dinala ng kaniyang kaanak sa ospital ngunit idineklara itong patay.