Advertisers
Ni BETH GELENA
PINAG-uusapan ng netizens ang confrontation scene nina Barbie Forteza at David Licauco sa ‘Maging Sino Ka Man.’
Sa Twitter ng Kapuso league ay may nakalagay na “it’s not BarDa (acronym for Barbie at David) if hindi sila nagbabardahan!”
Mula raw kasi na nabuo ang tandem ng dalawa ay para na raw silang mga aso’t pusa.
Pero enjoy naman ang fans ng dalawang Kapuso artists dahil pagkatapos daw nilang magbardagulan ay nagiging sweet silang pareho.
Komento nga ng netizens,
“Mas astig pa si Barbie eh”
“Ngayon pa lang kilig na ako”
“Okay naman sya! Excited ako!”
“Masyadong boy next door looks ni David. Hindi sya bagay na bad boy””
‘”Bat kinilig ako hahaha’
“Di maganda yung angas face ni David. Hahaha. Mas bagay kay Barbie hahaha”
***
PAG-amin ni Enrique Gil na going strong pa rin ang relasyon nila ng girlfriend na si Liza Soberano.
Hindi pa raw sila hiwalay tulad ng napapabalita.
Ayon daw kasi kay Ogie Diaz, naiulat niyang hiwalay na ang LizQuen.
Ayon daw sa kanyang source ay hiwalay na ang dalawa yun nga lang daw hindi alam ng source kung mutual decision ng LizQuen ang kanilang break up.
In-assure ng actor sa kanilang fans na sila pa rin ni Liza.
Kaya madalang daw ang kanilang pagkikita dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.
Nag-carèer move si Liza sa Hollywood kaya naiwan dito sa Pinas si Enrique at dito rin tinutuloy ang kanyang showbiz career
Ang kanilang loveteam lang ang nabuwag at hindi ang kanilang real relationship.
Pero kahit daw busy sila sa kani-kanilang career, they still support each other.
What matters to them is that they remain happy and supportive of each other.
Ngayong na-clarify na ni Enrique ang relasyon nila ni Liza, binweltahan naman ng netizens si Ogie
Esplika naman ng dating manager ng LizQuen, “Kung sila pa rin. Kung ang meaning ng sinabi sa inyo ni Enrique Gil ay sila pa rin. O edi sinungaling ang source ko.”
Dagdag pa niya, “At okay na sila pa rin. Ako ha, sakin ha kilala ko naman sila na nagmamahalan pero siyempre noong maghiwalay kami wala na kaming connect. Pero kung yan ang sinabi ni Enrique, at yan ang pakahulugan sa inyo, o edi isipin natin na sila pa rin.”