Advertisers
NASAWI ang isang misis nang barilin ng live-in partner nito sa Barangay San Fernando, Sto. Domingo, Albay nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si Erlene D’Souza, 36 anyos; habang ang salarin ay ang live-in partner niyang si Mark Gil Rangasa, 30, na kapwa nakatira sa P-4, Brgy. Lidong, Sto. Domingo.
Sa imbestigasyon ng PNP Sto. Domingo, selos ang itinuturong ugat ng insidente. Nag-away ang magka-live-in dahil paulit-ulit umanong nahuhuli ng lalaki na may ka-videocall ang biktima kahit sa kalagitnaan ng gabi.
Ayon sa pulisya, bago mangyari ang insidente, kinausap ng lalaki ang kanyang ina kungsaan kanyang sinabi na baka mapatay nito ang kinakasama dahil sa selos, isang araw bago ang insidente. Kaya’t nagmumuka umanong planado ito.
Ang ginamit ng salarin sa pamamaril ay ang baril nito sa trabaho bilang security guard sa Bureau of Customs.
Matapos mapatay ang ka-live-in, nagbaril ito sa ulo na kaagad namatay.