Advertisers
KULONG ang isang lalaking adik sa shabu na pumatay ng sariling ina sa Barangay Poblacion, Sulop, Davao del Sur, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Dulcisima Elardes Malinao, 72 anyos; at ang salarin ang anak nitong si Carlo, 40.
Iniulat ng Sulop Municipal Police Station na pinatay sa sakal ni Carlo ang ina sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1, Barangay Poblacion ng naturang bayan dahil sa matinding hindi pagkakaunawaan.
Nasaksihan ng isang apo ni Malinao ang pagsakal ng tiyuhin sa kanyang lola na nagtangka pang tumakas ngunit inabutan ng mga rumespondeng mga barangay officials at mga kasapi ng Sulop MPS.
Mahaharap sa kasong parricide ang salarin.