Advertisers

Advertisers

Good taxpayer naman daw…Ivana umaabot sa P.5M ang kita sa bawat vlog

0 163

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang latest vlog, nabanggit ni Ivana Alawi ang kinikita sa kanyang pagvlo-vlog sa kauna-unahang pagkakataon.
Aniya, dahil daw sa maraming nagtatanong, gusto lang daw niyang bigyan ng ideya ang kanyang mga tagasubaybay.
Hirit pa niya, ayaw na raw sana niya itong sabihin dahil baka isipin ng mga tao ay nagyayabang siya.
Gayunpaman, sa kanyang rebelasyon, nagpasintabi siya na masigasig daw naman siya sa pagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue.
“Usually may 200,000… 300,000… 400,000… 500,000. Pero guys nagbabayad naman ako ng tax. BIR kumusta you? Nagbabayad talaga ako ng tax kaya wala akong kinakatakot,” ani Ivana. “Pero hindi ko alam kung gusto kong i-disclose baka isipin niyo nagyayabang… hindi! Pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong ayan okay,” dugtong niya.
Nag-react naman ang ilang kibitzers sa kanyang naging pasabog.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.
“Kaya naman pala kahit wala siyang movie o serye, buhay na buhay siya.”
“Sa vlog lang siya sakalam pero sa serye at movie, waley siya.”
“Naku, Ivana. Binigyan mo ng ideya ang BIR. Hindi kaya habulin ng BIR ang iba pang vloggers dahil sa pasabog mo.”
“In fairness kay Ivana, mabubuhay naman siya kahit wala siyang movies o serye.”
“True. May business naman siya at milyonarya siya dahil ang laki ang ipinamana sa kanyang pera at property ng kanyang Moroccan father.”
“Watch out, Ivana. Habulin ka ng BIR.”
Si Ivana ay isa sa mga top money YouTube celebrity earners sa bansa na may 16.6 million subscribers sa kanyang channel.
***
BILLY CRAWFORD INAMIN, TAKOT KAY CHITO MIRANDA
SA isang panayam, natanong si Billy Crawford tungkol sa kumpetisyon nila ng “Parokya ni Edgar” frontman na si Chito Miranda.
Napili kasi ang dalawa bilang coaches sa upcoming GMA-7 singing competition show na “The Voice Generations.”
Ang iba pang coaches ay sina Julie Anne San Jose at ang SB19 member na si Stell.
Sey ni Billy, sa lahat daw ng coaches ay threatened siya kay Chito.
Katunayan, ito raw ang pinakababantayan niya.
Hirit pa niya, ito rin daw ang itinuturing niyang most competitive.
Kumbaga, hindi raw siya puwedeng magpaka-kampante dahil marami itong baong sorpresa.
Dagdag pa niya, fan daw siya ng bokalista ng pamosong banda.
Inilarawan pa niya si Chito bilang “kid at heart”, “super down to earth”, at “walking man of humility”.
Sumang-ayon naman ang King of Talk na “malalim at mahirap basahin” si Chito.
Pabiro namang mensahe ni Billy kay Chito: “Nababasa kita, Chito. Nababasa kita. Alam ko kung nasan ka nakatira, at kilala ko pamilya mo.“
Sa nasabing interview, ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng kanyang upcoming show sa “The Voice.”
Aniya, hindi raw solo singing competition ang “The Voice Generations” dahil dalawa o higit pa ang bubuo ng isang grupo ng contestant na may sampung taong age gap ang bawat miyembro.
Naurirat din siya tungkol sa posibilidad na sundan na ang kanilang panganay ni Coleen na si Baby Amari.
Aniya, malabo pa raw mangyari iyon dahil gusto muna nilang tutukan ang paglaki ng kanilang anak na ang rhythm daw sa hilig sa pagsayaw ay namana sa kanya.