Advertisers

Advertisers

Poste ng Meralco sa Binondo nagbagsakan

0 227

Advertisers

POSIBLENG sanhi ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan ang dahilan ng pagbagsak ng ilang poste ng Meralco sa Binondo, Maynila nitong Huwebes.



Sa inisyal na ulat mula sa Public Information Office ng Manila Police District, 1:00 ng tanghali nang magbagsakan ang mga poste ng kuryente sa kanto ng Quintin Paredes St., at Ongpin St. sa Binondo .

Ayon sa nakakita na si Adrain Masangkay, tanod ng Barangay 289, biglang nalang nagtumbahan ang mga poste ng Meralco.

Agad namang naitawag sa opisina ng Meralco ang insidente, at sa pangunguna ni Sonny Pascual, Meralco Team leader, ay pinangasiwaan niya ang safety measures lalo’t daanan ng mga motorista at malapit sa simbahan ng Binondo ang insidente.

Iniulat na sampung sasakyan ang napinsala at isang bisikleta at tatlo ang sugatan.

Kinilala ang mga sugatan na sina John Michael Acibar y Tigoy, 21, delivery boy, residente ng 106 Loudes St., Caloocan; Joffer Dolatre y Madronio, 32, negosyante, ng 647 Carvajal St., Binondo, Manila; at Beverly Balledo y Mabalda, 25, eyelash tech ng Almacem, Navotas City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kinauukulan sa insidente.(Jocelyn Domenden/ Jonah Mallari)