Advertisers

Advertisers

Gabby Nag-demand Ng Billing Sa Concert Nila Ni Sharon; Iba’t ibang Akting Ni Direk Reyno Sa ‘NAKA- KAPASO ANG LAMIG’

0 955

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

WE heard and how true kaya na bago raw tanggapin ni Gabby Concepcion ang reunion project nila ni Sharon Cuneta na concert sa Mall of Asia Arena ay nag-demand ang kampo ni Gabby kabilang na ang manager nito na si Popoy Caritativo na dapat mauna sa billing ang pangalan ng alagang actor kay Sharon Cuneta.
At natupad ang kanilang demand at una nga ang name ni Gabby kay Sharon sa poster ng kanilang concert titled DEAR HEART: LOVE CONCERT sa MOA ngayong October 27. Knowing Sharon, madali itong kausap. Kahit na di hamak na mas sumikat siya kay Gabby, ayaw na nitong makipag-argue pa regarding sa billing nila ng ex-husband actor. Ang importante ay ang mapagbigyan na nito ang fans and supporters nila ni Gabby, na matagal na panahon nang umaasam na mapanood silang magkasama uli ni Gabo.
As of presstime, maganda raw ang benta ng ticket sa Dear Heart Concert na ang pinakamahal na presyo ng ticket ay P18, 500
at P1, 200 naman ang pinakamura o general admission.
***
NA-drained man nang husto si Direk Reyno Oposa sa rehearsal ng kanyang first international stage play na, “NAKAKAPASO ANG LAMIG” kung saan lead star siya at gagampanan ang character ni Eddie na isang OFW na may asawa at isang anak.
Sa nasabing rehearsal ay kailangang ipakita ni Direk Reyno ang iba’t ibang akting na masaya, malungkot, problemado, nagulat, umiyak at kung anu-ano pa. Kailangan talaga niyang magpakita ng iba’t ibang emosyon sa kanyang role. Lalo’t sa kanila ng wife niyang si Mitzi at 8 taong gulang na anak na si Mark iikot ang istorya ng Nakakapaso Ang Lamig.
Tipikal na middle class na Pinoy ang pamumuhay rito ni Eddie at ng kanyang mag-ina na dadanas ng mga pagsubok sa buhay. Kuwento ito ng pag-ibig sa maling tao, maling panahon at pagkakataon. Ang nasabing play ay mula sa panulat ni Frank de Leon.
Magsisimula na itong itanghal ngayong Oktubre sa Maja Prentice Theatre sa Mississauga, Canada. Produced ito ng FilCanadian Theatre Group na nag-umpisang mag-produce noong 1980’s pa. At least dito sa Nakakapaso Ang Lamig ay pinatunayan ni Oposa na hindi lang siya mahusay na director kundi actor din sa entablado.
***
15th Birthday Celebration Ng Young Actress-Dancer Na Si Ysabella Orandain Dinaluhan Ng Mga Malalapit Na Kaibigan
Sunud-sunod ang selebrasyon ng birthday nang unti-unti ng nakikilala sa showbiz na young actress-dancer na si Ysabella Orandain. Sine-selebreyt ni Ysabella ang Kanyang 15th birthday.
At after siyang sorpresahin ng mga kapwa dancers, na sobrang ikinatuwa ni Ysabella, sa guesting nila sa event ng Chamba Noble ng sikat na choreographer ng mga noontime show at musical variety show na si Master Mel Feliciano sa Quezon City Memorial Circle na naging very successful. Last August 8 ay isang bonggang party naman ang inihanda ni Ma’am Cris Myla para sa kanyang birthday celebrant daughter sa SAMBOKOJIN RESTAURANT, sa SM South Mall. Dinaluhan ito ng pamilya ni Ysabella at ng mga kaanak at malalapit niyang kaibigan. Very happy si Ysabella sa regalong ito ng kanyang Mommy Cris at masaya rin ang birthday girl, dahil lahat ng ine-expect niyang bisita sa kanyang kaarawan ay dumating lahat.
“Aside with my Mom and Dad po Tito Peter (tawag ni Ysabella sa akin) halos lahat ng close friends ko dumating sa birthday ko. I feel so blessed and loved na feeling ko complete na yung happiness ko kasi nga naging masaya po itong celebration ng aking 15th birthday.
“And my birthday wish, is good health para sa amin ng family ko and magkaroon pa ng maraming projects at matupad yung pagiging doctor ko someday.” Masayang chika pa ni Ysabella sa aming interview sa kanya.