Mga bawal sa Maynila sa panahon ng Bar Exams
Advertisers
ALAK, ambulant vendors, ingay at lahat ng uri ng gawain na makakagulo sa bar examination, tulad ng mass gatherings, parades, ‘salubong’, parties at katulad na gawain na ginagawa tuwing ‘bar ops’ na maaring lumikha ng ingay at makagulo, ay pinaiiral ngayon sa loob ng 500-meter radius mula sa lugar kung saan ginaganap ang bar exams tuwing weekend simula September 16.
Sinabi ng spokesperson ni Manila Mayor Mayor Honey Lacuna na si Atty. Princess Abante na nilagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 24 na nagpapatupad ng mga nasabing prohibisyon sa para peaceful and orderly 2023 bar examinations sa mga espesipikong petsa.
Sakop ng liquor ban ang paligid ng University of Sto.Tomas sa Espana at San Beda sa Mendiola, kapwa nasa Maynila.
Nagsimula ang prohibisyon noong hatinggabi ng September 16 hanggang 10 p.m. ng September 17.
Ang parehong ban ay muling ipapatupad ng hatinggabi ng September 19 hanggang 10 p.m. ng September 20 at hatinggabi ng September 23 hanggang 10 p.m. ng September 24.
Sa kaso ng mga ambulant vendors, ang prohibisyon ay epektibo sa pareho ding araw at magtatagal hanggang hatinggabi ng September 18, 21 at 25.
Sakop naman ng noise control and mitigation measures ang mga videoke, karaoke, malakas na sound systems, speakers at mga equipment na naglalabas ng malalakas na ingay o sound maging ito man ay manual, electrical o mechanical. Kasama rin sa ban ang mga tao o grupo ng mga tao na sobrang ingay at lumilikha ng hindi naman kailangang tunog o alarm.
“All violators shall be dealt with accordingly pursuant to existing laws and ordinance of the city of Manila. All concerned departments are directed to ensure the safety and security of all personnel and examinees, with a view to maximize concentration and focus of the barxaminees as they take this milestone in their lives,” ayon sa sinasaad ng order ni Lacuna.
Ang ‘BarOps (operations) ay ginagawa ng mga student volunteers, kadalasan ay law students, na nagkakaloob ng academic at logistical support sa bar candidates sa tuwing may bar examinations.
Ang suporta ay karaniwan ng grupo ng mga well-wishers na bumabati sa mga examinees at kumpleto ng lahat ng klase ng kasayahan. (ANDI GARCIA)