Advertisers

Advertisers

Multi-million ‘illegal quarry’ sa Bicol…MAYOR MABULO, BARANGAY CHAIRMEN KUMAMAL NG P544-M, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN!

0 29

Advertisers

DAWIT sa illegal quarrying si San Fernando Mayor Fermin Mabulo sa reklamo na isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa kanyang diumano’y pagkamal ng mahigit P544 milyon sa pakikipagkuntsaba sa limang punong barangay.

Dahil sa kawalan ng permit mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) maging sa Camarines Sur provincial government, sinabi ng mga miyembro ng Task Force Sagip Kalikasan na tinakasan din ni Mabulo ang pagbabayad ng tinatayang P54 milyong buwis sa gobyerno, batay sa 10 porsyentong tax rate na ipinapataw sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC).

Ang joint affidavit-complaint laban kay Mabulo at limang barangay chairmen sa San Fernando ay inihain nina Task Force enforcers Richie Bolaños, Emmanuel Bustarga at Nimuel Azuela sa tanggapan ng Ombudsman for Luzon sa Diliman, Quezon City noong Setyembre 8.



Nakatuwang umano ni Mabulo kaya isinama sa inihaing reklamo sina Barangay Chairmen Larry Mateo ng Barangay Beberon, Joebert Lumabao ng Barangay Bocal, Enopre Metillo ng Barangay Pipian, Edelito Aborde ng Barangay Alianza at Julian Coros Jr. ng Barangay Grijalvo.

Hiniling ng mga nagrereklamo na agad suspindehin si Mabulo at ang limang kapitan ng barangay alinsunod sa Section 9 ng Rule III ng Ombudsman kungsaan maaaring suspindehin ang mga iniimbestigahan ng anim na buwan ng walang bayad kung malakas ang ebidensya at kung ang mga ito ay inaakusahan ng ‘grave misconduct’.

Inilakip ng mga nagrereklamo sa joint complaint ang mga patunay sa iligal na quarry gaya ng mga dokumento mula sa DENR at provincial government, minutes ng mga sesyon ng Sanggunian Bayan (SB), mga litrato, at mga police blotter report at video clips ng mga nahuling dryaber ng trak na umamin na inutusan sila ng alkalde na ibiyahe ang earthfill materials mula sa quarrying sites.

Ayon sa mga nagrereklamo sa Ombudsman, sapat ang kanilang mga nakalap na ebidensya upang patunayan na:

(1) si Mabulo at ang kanyang misis na si Michelle ay sangkot sa quarrying sa mga barangay kung saan ipinagbawal na ng DENR ang ganitong gawain mula pa 2021.

Sa sesyon ng SB noong Pebrero 7, 2022, pinag-usapan ng mga konsehal ang isa sa mga trak na ginamit sa quarrying ay kay Michelle Mabulo.



Nang lumabas sa balita ang isyu na ito, iginiit ng misis ng alkalde na ligal ang kanyang quarrying at nagbabayad ito ng municipal tax sa bawat biyahe ng kanyang trak.

Pero ayon sa mga naghain ng reklamo, mayroong sertipikasyon ang Provincial Treasury na walang rekord ng pagbabayad ng buwis ni Michelle Mabulo o ng alkalde, anak nilang si Louise Mabulo o ang kompanya ng kanilang pamilya na LDGM Construction and Supply Corp.

(2) Hindi pinatigil ni Mayor Mabulo at ng limang inireklamong barangay kapitan ang iligal na quarrying sa kanilang lugar kahit:

• Paulit-ulit ng inirereklamo ng SB ang iligal na gawain, paggamit ng equipment ng gobyerno, at pagkakasangkot ng alkalde at misis nito sa iligal na gawain sa sunod-sunod na mga sesyon ng SB sa pagitan ng Hulyo 2021 hanggang Pebrero 2022.

• Abril 2021 ay ipinag-utos ng DENR-V regional director Guillermo Molina na ihinto lahat ng uri ng pagmimina/quarrying sa mga barangay ng San Fernando— isang indikasyon na walang permit ang nagaganap na quarrying sa lugar at wala ring Environmental Compliance Certificates (ECC) mula sa DENR.

• Dalawang Cease-and-Desist order (CDO) ang inilabas ng task force noong Hulyo 2019 at Enero 2021, inuutusan si Mabulo na itigil ang operasyon ng quarry maliban na lamang kung makakukuha ito ng permit mula sa Office of the Provincial Governor.

• Ang pagsusumite ni Vice Mayor Allan Valenzuela ng letter-complaint sa noon ay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng iligal na mga quarry site sa San Fernando kungsaan sangkot ang hindi bababa sa dalawang lokal na opisyal.

“Extraction activities continued despite the order to stop all illegal quarry operations in the municipality,” sabi ni Valenzuela sa sulat nito Hunyo 7, 2021 kay Duterte na ipinadaan kay DENR Secretary Roy Cimatu.

“It is important to note that among those locations tagged by the DENR with illegal quarry operations are situated in lots owned by two incumbent officials.”

“Respondent Mabulo, both directly, being constantly identified as the owner of illegal quarrying sites in the municipality of San Fernando, and by gross inexcusable negligence, being the mayor of the municipality, has allowed the proliferation of illegal quarrying sites in San Fernando, Camarines Sur,” sabi ng mga nagreklamo. “(He) has been found to be personally involved in illegal quarrying. In fact, two CDOs have been previously issued the respondent for his personal involvement in the illegal extraction of earthfill.”

Nagpakita naman umano ng kapabayaan sa kanilang tungkulin na itigil ang illegal quarrying ang limang kapitan ng barangay kaya dapat din silang makasuhan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.