Advertisers

Advertisers

Pulis pinakulong ni misis dahil sa ‘kabit’

0 22

Advertisers

Inaresto ang isang aktibong pulis ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) nang ipagharap ng kasong pakikiapid ng kanyang asawa sa isinagawang operation sa Makati City.

Kinilala ni BGen Warren F. De Leon Dir ng PNP-IMEG ang inarestong pulis na si PMsg John Ledesma Mollenido, 36 anyos, nakatalaga sa Quezon City Police Disitirct.

Ayon kay De Leon, isinagawa ang iperasyon ng pinagsanib na elemento ng PNP-IMEG, NCR Field Unit, Regional Special Operation Group, NCRPO at Makati City Police Station sa tinutuluyang kuwarto ng pulis sa Airobez Hotel Makati sa 5487 Boyle Street, Makati City.



Sa report, isagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Antonio Oyao Del Val, Acting Presiding Judge, Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Tanza, Cavite under Criminal Case Number 23-265 noong Sept. 29, 2023. Nagrekomenda ang korte ng P30,000 piyansa para sa pangsamantala kalayaan ng nasabing pulis.

Nabatid na ipinagharap ang nasabing pulis ng kasong concubinage ng kanya asawa nang mahuling mayroon kinakasama ibang babae.

Nasa kustodiya ng IMEG Custodial Facility, Camp Gen Rafael T Crame, Quezon City si Mollenido para sa documentation bago iharap o ibalaki ang arrest warrant sa naglabas ng korte.

“Bilang pagsuporta sa 5-Focus Agenda ng ating CPNP, ang aming hanay ay hindi kokonsintihin ang mga imoral na gawain ng iilang miyembro ng ating kapulisyahan, lalo na at ito ay nagdudulot ng pagkasira ng kanilang pamilya,” ani ni De Leon.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">