Advertisers
HINIMOK ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang China na tanggalin na ang mga itinayong imprastraktura sa West Philippine Sea.
Pahayag ng DFA, dapat akuhin ng China ang mga nasirang corals sa malaking bahagi ng West Philippine Sea dahil sa pagtayo ng mga imprastraktura.
Iginiit ng DFA na hindi dapat magpaalam pa ang Pilipinas sa China tuwing may isinasagawa silang re-supply mission sa exclusive economic zone (EEZ) dahil ito ay kanilang karapat nakapaloob sa international law.
Mula pa kasi noong 1995 ay nakapuwesto na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Matatandaang makailang beses naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest dahil sa ginawang panghaharass ng China sa mga barko ng Pilipinas at maging ang mga mangingisda ng bansa.