Advertisers

Advertisers

Arci nanakawan sa loob ng eroplano

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang TikTok video, nag-viral ang kuwentong ibinahagi ni Arci Munoz.

Ito ay kaugnay ng naging karanasan niya bilang pasahero sa isang kilalang international airline.
Aniya, nakasakay daw siya sa business class pero nagulat siya nang may isang lalakeng lumapit sa upuan niya at kinuha ang magasin na nakalaan sa kanya.



Nagtaka raw siya kung bakit ginawa ito ng estranghero gayong may magasin naman ang bawat cubicle.
May saksi raw siya sa naturang pangyayari.
Dagdag pa niya, ibang-iba na rin daw ang mukha ng mga kriminal at scammers sa ngayon dahil maayos naman silang magbihis.

Laking gulat din daw niya noong makita na bukas ang kanyang bag nang iwan niya ito.
Noon na lang daw niya napagtanto na nawawala pala ang kanyang credit card.
Nalaman din niya na may unauthorized na gumagamit ng kanyang credit card sa ibang bansa.
Mabuti na lang daw at naabisuhan siya ng bangko.

Aniya, tila ito na raw ang bagong modus na talamak sa kasalukuyan kaya naman pinag-iingat niya ang mga pasaherong sumasakay sa eroplano.

Nanawagan din siya sa airline na kanyang sinakyan na magpatupad ng mahigpit na security.
Humihiling din siya na imbestigahan ang nasabing kaso para hindi na mangyari sa iba ang kanyang nakapanghihilakbot na karanasan.