Advertisers

Advertisers

Julia flop sa pa-wholesome kaya nag-go sa paseksi

0 6

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGING emosyonal ang cast ng In His Mother`s Eyes dahil kinuwento nila kung ano ang mga unforgettable memories nila sa kanilang mga ina.

Nagsimula si LA Santos, isa sa mga bida ng movie at simula pa lang ay napaiyak na ito.
“Grabe po ang mga mommies, sobrang angels po lahat sila. Pinaka-unforgettable memories ko kay Mommy, sobrang dami,” panimula ng actor/singer.



“Pero yung pinakadikit sa puso ko po, every time po na may trabaho ako, every time na lalabas po ako, minemeyk-ap-an po ako ni Mommy parati,” natatawang naiiyak na kuwento niya.
“Inaaway niya po ako `pag lumalabas akong hindi naka-make-up or hindi nakaayos,” say pa niya.
Nasanay na raw siya hanggang ngayon na ang kanyang ina ang nag-aayos sa kanya at ayaw niyang magpa-make-up sa iba.

 

Si Mommy Flor Santos ang ina ni LA na siyang producer ng In His Mother`s Eyes na kilala talaga sa showbiz bilang mapagmahal na ina sa kanyang anak. Katunayan, pinasok niya ang pagpo-produce ng pelikula at concerts para kay LA.

Sa grand presscon din nailabas ni Mommy Flor ang kanyang tampo sa hindi pagkakasama ng In His Mother`s Eyes sa darating na Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF). At inamin nitong na-depress siya sa hindi pagkakasama ng movie ng anak na para sa kanya ay may karapatang mapasama sa taunang festival sa bansa.

Dahil hindi napasama ay nagdesisyon silang ilabas ito sa November 29 sa mga sinehan.
Si Roderick Paulate rin na kasama sa cast ay napaiyak habang inaalala ang kanyang yumaong ina. Bata pa lang daw siya ay ito ang kasama niya sa kanyang mga shooting.
“Ngayon ito na ang edad ko, alam yan ni Maria (Maricel Soriano), alam yan ni Maila (Gumila), feeling ko matagal na siyang nawala pero parang feeling ko, hindi pa ako nakapag-mourn. Hindi pa eh,”aniya.
Sobrang miss na raw niya ang kanyang ina, lalo na nga`t malapit na ang Kapaskuhan.

Year 2009 naman pumanaw ang ina ni Diamond Star Maricel Soriano na si Mommy Linda kung tawagin sa showbiz. At hindi rin naman lingid sa mga taga-showbiz kung paano ito ininda ni Maria.
Ayon kay Maria, pakiramdan niya ay kalahati ng kanyang katawan ang nawala nang iwan siya ng ina.
“Feeling ko, `Ano pa ba`ng gagawin ko.” Dapat umalis na rin ako, mawala na rin ako.” Kasi lahat naman ng ginagawa ko, para sa mommy ko, eh,” aniya.



Naikuwento rin ni Maria na dinalaw siya sa panaginip ng kanyang mommy. Nasa may pintuan daw ito at pabaklang nagsalita ng, “O, di ba, bongga?”
Tumatakbo ang istorya ng In His Mother`s Eyes sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at sa trailer pa lang ay marami nang napaiyak.
***

NAGPASALAMAT si Julia Barretto sa kanyang pamilya at sa boyfriend na si Gerald Anderson dahil sa suportang ibinigay ng mga ito sa bago niyang proyekto.
Ang new project ay maging Calendar Girl ng isang brand ng alak para sa pagpasok ng year 2024.
Alam naman ng lahat na kapag naging Calendar Girl ang isang celebrity ng isang nakalalasing na inumin ay asahan na ang paglabas ng iba`t ibang sexy photos nito.

Isang larawan pa nga lang ang ipinasilip ng actress sa kanyang IG page ay dagsa na ang panlalait na natatanggap ni Julia.

Kesyo cheap daw ito, pero ayon naman sa mga kalalakihan ay nagustuhan at nagsabi pang napakasuwerte ni Gerald Anderson sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad ni Julia. Ang iba naman ay nati-trigger mag-imagine kaya gustung-gusto raw nila ang pictorial ni Julia.
“I know! It triggers the imagination kaya LIKE,” say ng isang nagkomento.

Naging Calendar Girl din si Heart Evangelista kaya may nasabing, ‘Di mo mapupulot ang amount ng check kung saan-saan lang kung ikaw ang piniling Tanduay Girl. Million ang paycheck.”
Sabi naman ng iba, “Swimsuit lang naman yan. Maraming naka-ganyan sa beach. At least kumita siya ng milyones diyan.”

Comment pa ng ibang netizens…
“From wholesome image, naging daring and sexy na. Hirap talagang kumita ng pera nowadays. Pa-sossy, pero sa Tanduay lang pala ang bagsak.

“Flop kasi yung mga wholesome niya, di siya love ng masa kaya siguro try niya naman `to.”
“Di ba nag-ganyan din si Bea. pero wala kayong kuda nu`n? Mas pa-wholesome naman yun, Julia has been wearing skimpy clothes ever since naman kasi she has the body.”