Advertisers

Advertisers

5 sundalo, 3 CAFGU grabe sa bumaligtad na truck

0 4

Advertisers

MALUBHANG nasugatan ang walong miyembro ng tropa ng pamahalaan nang bumaligtad ang Army light truck na kanilang sinasakyan sa Barangay Tinaplan, Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte nitong Lunes.

Sa report, 1:00 ng hapon nang maganap ang aksidente.

Sa ulat nitong Martes, November 21, ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office, lima sa mga biktima ay kasapi ng 44th Infantry Battalion, habang ang tatlo ay miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).



Magkasama ang walo sa isang Kia 450 light truck na gumulong sa isang bahagi ng highway sa Barangay Tinaplan nang mawalan ng kontrol ang kanilang driver sanhi ng pagkasira ng preno ng sasakyan habang pababa mula sa mataas na lugar.

Ginagamot na sa ospital ang mga biktima.