Advertisers
KULONG ang isang vegetable vendor nang mahulihan ng shabu matapos umiwas sa mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality patrol bago mag-bagong taon sa Quezon City.
Kinilala ni Major Jacinto Pascual IV, hepe ng Quezon City Police District Station 3 – Talipapa Station Drug Enforcement Unit, ang nadakip na si Lorie Tabut, 45 anyos, vegetable vendor at residente ng Old Samson Road, Barangay Balingasa.
Nabatid kay Cpl. Neil Christian Cyrus Fresco, investigator, na nadakip ang suspek sa kahabaan ng Quirino Highway sa harap ng Gana compound, Brgy. Unang Sigaw 4:40 ng hapon nitong Disyembre 30, 2023.
Ayon kay Fresco, nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) Talipapa Police sa pangungana nina Cpl. Zambrano at Cpl. Agtarap nang umiwas ang suspek sa mga pulis at naging kahina-hinalang kilos nito dahilan para mahalata ng mga operatiba.
Sinita ng mga pulis ang suspek at nahuli sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet ng shabu na nasa P6,800.00 ang halaga. (Boy Celario)