Advertisers

Advertisers

PAMILYA NI DENR SECRETARY LAND GRABBER?

0 31

Advertisers

Mahaharap ngayon sa malaking kontrobersiya si DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) SECRETARY MA. ANTONIA YULO-LOYZAGA mula sa may 1,000 mga magsasakang naging biktima ng “MASSIVE LAND GRABBING” ng “YULO KING RANCH” (YKR) sa mga bayan ng CORON at BUSUANGA sa PALAWAN.

Inihayag ni KATIPUNAN NG MGA SAMAHANG MAGBUBUKID SA TIMOG KATAGALUGAN (KASAMA-TK) SPOKESMAN ORLY MARCELLANA na ipinoproseso na umano ng kanilang hanay sa asiste ng kanilang legal counsels sa isasampang kaso sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN dahil malinaw umano na may “CONFLICT OF INTEREST” ang pagkakatalaga kay DENR SECRETARY MA. ANTONIA YULO-LOYZAGA ng hukuman na ito ang EXECUTOR ng YKR na umaangkin sa may 40,000 ektaryang lupain sa PALAWAN.

Mga ka-ARYA.., ang MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH 17 ay naglabas ng resolusyon sa pagtatalaga kay YULO-LOYZAGA (DENR SECRETARY) bilang ito ang EXECUTOR ng YKR CORPORATION.., kung saan, itong si ACT PARTYLIST REP. FRANCE CASTRO ay naghain ng resolusyon para magsagawa ng “INVESTIGATION IN AID OF LEGISLATION” ang CONGRESS.



Ang mga itinalaga ng korte bilang mga CO-ADMINISTRATOR ay isang MA. PAZ SOCORRO J. YULO CAMMACK na kapatid ni DENR SECRETARY.., na ang iba pang tagapagmana ng YUMAONG si JOSE A. YULO ay sina TERESA J. YULO, CECILIA J. YULO, MARIA TERESA CARMEN J. YULO GOMEZ, JOSE LUIS J. YULO, JOSE ENRIQUE J. YULO, MA. CARMEN J. YULO, JOSE MANUEL J. YULO at JOSE MARIA J. YULO.

Sa pagpupunto ni MARCELLANA ay may CONFLICT OF INTEREST sa naging paghirang at pagtanggap sa puwesto ni YULO-LOYZAGA bilang DENR SECRETARY.

Hinimok din ng mga magsasaka si HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ na magpakita ng sinseridad ang administrasyon sa pagpapaimplementa ng REPUBLIC ACT 6657 o ang COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW.

Nitong nagdaang buwan ay nag-atas si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) na kumpletuhin na ang pamamahagi ng LAND TITLES sa mga karapadapat na AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARB).

Sa pananaw ng mga bumubuo ng MAKABAYAN BLOC ay malinaw umano na may CONFLICT IF INTEREST na bumbabalot kay DENR SECRETARY para sa kapakanan ng YKR na pagmamay-ari ng YULO FAMILY sa PALAWAN.., na rektang inaakusahan ni ACT PARTYLIST REP. CASTRO si YULO-LOYZAGA sa kasong ETHICAL VIOLATION nang tanggapin nito ang posisyon gayong batid nito na pinipetisyon ang YKR na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain sa ilalim CARP.



Sa FACT-FINDING AND SOLIDARITY MISSION REPORT noong taong 2014 na sumasaklaw sa CORON at BUSUANGA ay isinalarawang “THE LARGEST AGRARIAN ANOMALY IN THE COUNTRY” ang LAND GRABBING CASE ng YKR.

Bago naangkin ng YKR ang nasabing lugar ay may mga magsasaka na ang naninirahan at nagsasaka noon pang early 1930’s.., subalit dahil sa land grabbing ay napagkaitan ang mga magsasaka base sa FACT FINDING TEAM na nagsagawa ng panayam sa mga residente mula sa 8 villages na naapektuhan tulad ng DECALACHAO, GUADALUPE, SAN JOSE, SAN NICOLAS sa CORON at QUEZON, NEW BUSUANGA, CHEEY at STO. NIÑO sa BUSUANGA.

Ang punto ng mga magsasaka.., ang gobyerno ay marapat magpakita ng sinseridad sa pagpapairal ng RA 6657.., na ito ay naging ganap na BATAS noong lagdaan ni dating YUMAONG PRESIDENT CORAZON AQUINO noong June 10, 1988. Ang batas ay nag-atas sa mga land-owner na ipamahagi sa mga magsasakang nagbubungkal sa kanilang inaaring lupa na ito ay babayaran ng pamahalaan at ang mga land-owner ay magtitira ng hindi hihigit sa 5-ektaryang lupa na kanilang aariin.., gayunman tila hindi ito nirerespeto ng mga maiimpluwensiyang personalidad na libo-libong ektarya ng lupain ang kanilang inaari!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.