Advertisers

Advertisers

2 bgy. tanod niratrat habang nagroronda

0 5

Advertisers

SUGATAN ang dalawang tanod nang pagbabarilin ng riding in tandem habang nagroronda lulan ng ‘kolong-kolong’ tricycle sa paligid ng San Miguel, Bulacan noong Miyerkoles.



Kinilala ang mga biktima na sina Noli Ramos, 40 anyos; at Pascual Aquino, 62, kapwa residente ng Sitio Balucok at mga tanod ng Barangay Sta. Ines sa nasabing bayan.

Dinala ang mga biktima sa ospital nang magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagroronda sa lugar ang mga biktima nang paputukan sila mga 6:00 ng gabi.

Tumakas ang mga salarin sa pag-aakalang napatay nila ang mga biktima na kapwa duguang bumulagta.

Nagsasagawa na ang pulisya ng backtracking sa mga kuha ng CCTV footage para makakuha ng impormasyon na tutukoy sa mga salarin.

Agad na inilipat si Ramos sa ibang ospital dahil sa tindi ng mga tinamo nitong sugat.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng pamamaril para matukoy ang mga salarin o utak sa krimen.