Advertisers
ITINIGIL na ang search and retrieval operations sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro nitong Huwebes, Pebrero 22.
Batay ang desisyon sa assessment ng Incident Management Team.
Mula sa malawakang pagguho ng lupa noong Pebrero 6, nasa kabuuang 93 bangkay ang narekober, habang 8 katao pa ang nawawala.
Iniulat ng IMT na wala silang nakitang bangkay sa ground zero simula Linggo.
Nilinaw din nila ang dating bilang ng 98 nakuhang bangkay, kasama ang mga nakuhang bahagi ng katawan.