Advertisers

Advertisers

2 sugatan sa away sa videoke

0 5

Advertisers

Sugatan ang dalawang lalaki nang humantong sa tagaan at saksakan ang kanilang away sa videoke sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Sa ulat, kumakanta ang 29-anyos na lalaki sa videoke nang lumapit sa kaniya ang isa pang lalaki upang magamit ang mikropono para kumanta.

Hindi pumayag ang naunang lalaki, at humantong ito sa kanilang pagtatalo.



Maya-maya pa, kumuha ng itak ang pangalawang lalaki at tinaga ang unang lalaki.

Kumuha naman ng patalim ang unang lalaki at gumanti, bago sinaksak sa tagiliran ang kaniyang nakaalitan.

Lasing umano ang mga lalaki, ayon sa barangay.

Nakatakdang mag-ayos ang dalawa matapos makalabas sa ospital.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">