Advertisers

Advertisers

Parang aso lang… Titser at dyowa nag-sex sa loob ng school, huli ni mister at anak

0 58

Advertisers

Nahuling hubo’t hubad ang isang babaeng public school teacher at kanyang lover sa loob ng silid aralan ng Gallano Elementary School, Aringay, La Union.

Sa police report, kinilala ang guro na si Jonnalyn Dolatre, 41; at ang kanyang kalaguyo na si Chester Gabin, 40.

Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mister ni Jonnalyn na si Donald Dolatre, 45, at anak nito sa loob ng Grade 4 classroom, 9:30 ng gabi.



Napag-alaman na bago ang insidente, pupunta sa paaralan si Donald at anak nitong lalaki para bisitahin si Jonalyn at ganun na lamang ang kanilang pagkabigla sa pagbukas nila ng pinto nakita ang mag-lover na kapwa hubo’t hubad na nagkapatong sa plastic bench.

Agad na nagbihis ang mag-lover kaya naman humingi ng tulong si Donald kay Reque Santiago, chairman of Barangay Gallano na siya namang tumawag ng pulis.

Ayon kay Donald na ang kanyang kamag-anak at mga kaibigan nagsabi sa kanya na ang misis nito na sekretong nakikipagtagpo kay Chester.

Inamin din ni Donald na matagal na silang hiwalay ni Jonnalyn, subali’t kakasuhan niya pa rin ang dalawang magkalaguyo.