Advertisers

Advertisers

No. 1 drug dealer sa Davao todas sa engkuentro

0 6

Advertisers

NASAWI ang pangunahing dealer ng shabu at marijuana sa listahan ng pulisya sa Davao City sa isang engkwentro sa Barangay Communal noong Sabado, March 23, 2024.

Sa ulat ng Davao City Police Office nitong Linggo, arrestuhin na sana si Sherwin Familiar ng mga hindi unipormadong pulis na kanyang nabentahan ng P748,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Ponte Verde Subdivision sa Barangay Communal ngunit ito ay pumalag at naglabas ng baril kaya agad siyang napatay ng mga ka-transaksyon na pulis.

Si Familiar ang siyang pinakauna sa listahan ng Davao City Police at ng Police Regional Office-11 ng drug dealers sa naturang lungsod.



Maliban sa isang .45 caliber pistol at shabu, nakunan din si Familiar ng P6,000 na halaga ng tuyong marijuana sa kanyang sling bag at isang cellphone na may mga numero ng kanyang mga kasabwat at mga binebentahan ng kanyang mga ilegal na epektos.