Advertisers
WINALIS ng National University ang Adamson University para dumikit sa Final Four incentive ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament.
Ang Lady Bulldogs ay tiyak na ang playoff para sa twice-to – beat advantage matapos gibain ang Lady Falcons,25-16,26-14,25-18, sa kanilang face-off Sabado ng gabi sa PhilSports Arena.
Nakamit ng National University ang kanilang ikaanim sunod-sunod na tagumpay sa second round, sa pamumuno ni Alyssa Solomon sa iniskor na 12 attacks,a block, at ace.
Si Bella Belen ay umiskor rin ng 14 points, at pomuste ng five digs at two receptions, habang si Lams lamina nagtala ng 11 excellent sets.Ishie Lalongisip may six points at six receptions, at Angge Alcantara naglatag ng 10 sets.
Ang Lady Bulldogs ay umakyat sa 11-2 sa standings,habang ang San Marcelino-based squad nalaglag sa 3-10.
Puntirya ng NU na masikwat ang twice-to-beat advantage kapag nakaharap ang Far Eastern University, habang ang Adamson ay makakasagupa ang Ateneo de Manila University sa kanilang susunod na laban.