Advertisers

Advertisers

Mangingisda ng Zambales nakakaranas din ng pag-water cannon at pambu-bully ng China

0 5

Advertisers

LUBOS ng apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Zambales at nakakaranas din sila ng pambu-bully tulad ng pag-water cannon ng China Coast Guard.

Ayon kay Zambales 2nd district Representative Bing Maniquiz, kung dati ay maraming isda ang nahuhuli sa laot o malalim na bahagi ng West Philippine Sea ngayon ay nagtatiyaga sa kakarampot na huling isda sa tabing-dagat ang mga mangingisdang taga-Zambales.

Sabi ni Maniquiz, may mga pagkakaon na nasisira ng water cannon ng China Coast Guard ang bahagi ng mga fishing boat ng mga mangingisda lalo na sa bahagi ng Masinloc at Sta Cruz, Zambales.



Dagdag pa ni Maniquiz, nagdulot din ng pangamba ang banta ng China na detention policy sa mga magagawi sa bahagi ng West Philippine Sea na kanilang inaangkin kahit bahagi ng teritoryong Pilipinas.