Advertisers
RARATSADA na ngayong Linggo, May 26 ang grand launch ng ‘Move Manila Car-Free Sunday’ sa Roxas Boulevard.
Pangungunahan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Councilor Philip Lacuna (6th district), na nag-akda ng ordinansa na nagbigay daan sa nasabing programa ang serye ng mga aktibidad sa nasabing araw. Kasama rin sa lalahok sa mga aktibidad ang mga City Hall officials, employees at residente.
Binigyang direktiba naman ng alkalde ang city’s
field personnel na patuloy na tingnan ang ang kundisyon ng kalsada at bangketa sa northbound at southbound ng Roxas Boulevard na isasara sa trapiko sa kabuuan ng gaganaping programa.
Inatasan din ni Mayor Honey si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na maglagay ng rerouting map at traffic personnel para sa kabuuang paghahanda ng event.
Sinabi naman ni Councilor Philip na kabilang sa aktibidad ay ang Zumba competition na lalahukan ng iba’t-ibang Parent-Teachers Associations (Manila SPTAs) ng mga paaralan.
Sa unang Linggo ng pagpapatupad ng programa, sinabi ni Councilor Philip na iba’t-ibang sektor sa Maynila ay lalahok sa fitness buffs tulad ng walking, jogging, running, biking, skateboarding at roller skating.
Tiniyak naman ng lady mayor na mayroon road marshals upang di magkagulo ang mga tao at tiyakin na ang kaligtasan ng mga ito ang mahalaga.
Kabilang sa grupong imbitado ay ang Barangay Councils, Sangguniang Kabataan, city hall officials, non-government organizations, school parent-teachers associations, sports clubs, running clubs at cycling clubs.
“There will be first aid stations and water stations. If people want to have their blood pressure checked, the first aid stations will be there to do that. The water stations are there to make sure people are hydrated and protected against heat stress,” pahayag ng alkalde.
Sinabi naman ni Councilor Philip na ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Quirino Avenue hanggang P. Burgos Street ay sarado sa vehicular traffic mula 5 a.m hanggang 9 a.m. simula sa Linggo at sa mga susunod pang mga Linggo base sa ordinansa na kanyang isinampa sa Konseho at nilagdaan ng alkalde.
Ang program launching ay magsisimula ng 5:30 a.m. sa panulukan ng South Drive-Kalaw at Roxas Boulevard (tabi ng Museo Pambata). (ANDI GARCIA)