Advertisers

Advertisers

PBBM TIWALA PA RIN KAY CACDAC

0 8

Advertisers

MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang reappointment ni Cacdac ay nakasaad sa listahan ng mga bagong presidential appointees na inilabas ng Malakanyang na indikasyon ng patuloy tiwala at kumpiyansa ni PBBM sa opisyal.

Nabatid na ang muling pagtatalaga kay Cacdac ay ginawa ng Pangulo matapos mag-adjourn sine die ang Second Regular Session ng 19th Congress dahilan upang hindi matuloy ang kumpirmasyon ng kalihim.



Si Cacdac ay iniluklok ni Pangulong Marcos bilang ad interim Secretary ng DMW noong nakaraang buwan o pitong buwan mula nang hirangin ito bilang officer-in-charge ng ahensya noong September 2023. (Gilbert Perdez)