Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAG-ugat ang Coron issue nang magbigay kasiyahan ang dalawang influencer na sina Rosmar at sumama si Rendon Labador.
Pero sa pamimigay nila ng tulong or pagkain sa mga residente ng Coron, Palawan ay naghintay lang naman sila ng isang oras mahigit.
Kaya isang staff ng munisipyo ang nabanas sa matagal na waiting ng mga residente.
Matutuwa pa nga raw ang mga mamamayan ng Coron kung yung naglalakad sila ay binigyan nila ang mga residente.
Kahit nga raw sila na staff ng munisipyo sa Coron ay nag assist pa sa dalawang personalidad na wala naman daw binigay na kahit singkong duling.
May pagkakataon na sinugod, hinamon, sinigawan at pinahiya pa umano ng 2 influencers sa mismong munisipyo ng Coron ang staff na nag post sa socmed dahil di nabigyan ng tulong.
At di nga raw pagtulong ang ginawa ng dalawa kungdi para dumami lang ang kanilang views at sila pa ang kikita ng malaki.
Pinagmukhang bata nga raw ang matatanda na super tagal ng ibibigay na tulong.
Pero sa totoo lang daw, ginamit lang nila anya nila ang mamamayan ng Coron para sa kanilang content.
Dahil sa pangyayari ay nag-decide ang mga opisyales ng Coron na ideklara na Persona Non Grata sina Rosmar Pamulaklakin at Rendon Labador kung saan ay uupuan ng mga lokal na opisyales para sa pagpataw ng Persona Non Grata sa 2 influencers.
Sa kabila na nag-sorry na ang dalawang influencers, inako na lang daw ni Rendon na siya na nga lang daw ang patawan ng Persona Non Grata at sinagip si Rosmar.
Napakabait daw ni Rosmar at maraming natutulungan kaya inako nito na siya na lang ang patawan ng PNG ng Coron. Palawan.
Kahit ang staff ng munisipyo ng Coron ay humingi na rin ng public apology sa ginawa nitong pagpo-post sa socmed.
Kaabang abang ang magiging desisyon ng mga lokal na opisyales ng Coron kung ipapataw na sa 2 influencers ang Persona Non Grata.
***
DIWATA NA-BASH SA PAGRE-REYNA ELENA SA SANTACRUZAN SA MALABON
MULING kontrobersyal si Diwata. Kung dati ay naiintriga ito sa pag isnab sa isang fan na suki na nito sa kanyang paresan na gustong magpa- selfie at isang netizen na gustong magpa-greet or shout out sa kanyang kaarawan.
Ang dalawang pangyayari ay parehong di nito napagbigyan sa kanilang kahilingan kay Diwata.
At eto muli ang usap usapan at iniintriga sa pagtanggap nito ng isang Santacruzan sa Malabon kung saan siya ang naging Reyna Elena.
Kaya naman bumuhos ang batikos kay Diwata at sa lugar na nag imbita rito sa pagsali sa taunang Santacruzan.
Wala naman daw problema kung kababaihan ang rumampa pero Reyna Elena pa si Diwata kaya nag init ang ulo ng netizens.
Binastos nga raw ang nakasanayang tradisyon ng mga Katoliko.
Pagtatanggol naman ng isang netizen para kay Diwata, baka Sagayla raw ‘yun lalo na’t Pride month ng LGBTQIA+.