Advertisers

Advertisers

Sales manager pisak sa trailer truck

0 25

Advertisers

Nasawi ang isang sales manager na motorcycle rider nang magulungan ng isang trailer truck habang binabagtas nito ang Buendia-Roxas Boulevard Flyover sa Pasay City nitong Huwebes ng umaga.

Hindi muna pinangalanan ang biktima, ngunit kinumpirma ng mga kasamahan nito na isa itong sales manager ng Mitsubishi Motors Corporation.

Kaagad nasawi ang biktima dahil sa matinding pinasala na tinamo nito sa mukha at katawan.



Lumalabas sa sketchy report ng Pasay City Traffic Sector, naganap ang aksidente nitong Huwebes ng umaga sa Northbound lane ng Buendia-Roxas Boulevard Flyover.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at nakasabay nito ang isang jeep, ngunit pagbaba ng flyover, nasagi ang biktima dahilan upang matumba ang motorsiklo nito.

Habang sakto naman na pababa rin ang isang trailer truck na nakasabay ng jeep.

Ayon sa driver ng trailer truck na hindi muna pinangalanan, narinig aniya niya na may sumisigaw na may tao sa ilalim.
Dahilan upang magpreno siya at pagbaba niya dito niya nakita ang biktima na nakatihayan at nagulungan ang mukha nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Kaagad namang rumisponde ang mga pulis at mga tauhan ng MMDA sa aksidente.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">