Advertisers
Timbog ang isang babaeng dadalaw sana sa nakakulong na live-in partner nang mabistong may dalang illegal drug na ipinalaman sa espasol sa Lucban, Quezon noong Linggo ng umaga.
Ayon sa report ng Lucban police, 10:00 ng umaga ng magsabi ang 21-anyos na suspek na si Jonalyn, residente ng Brgy. Alili, na dadalaw siya sa kanyang na live in partner na nakaditene sa Lucban police station custodial facility na nakatakdang illipat na sa BJMP – Pagbilao District Jail sa Brgy. Talipan, Pagbilao nitong Lunes, Hulyo 15.
Bilang konsiderasyon, pinayagan ito na dalhan ng pagkain ang ka-live in.
Subali’t habang sumasailalim sa inspection ng jail guard, napansin na may plastic sachet na kasamang ibinalot sa espasol.
Nadiskubre ng mga jail guard na shabu na may timbang na 0.72 grams at nagkakahalaga ng nasa P4,896.00. ang laman ng dalawang palstic sachet na nahugot mula sa kakanin.
Ikinulong na rin ito ng mga pulis at nakatakdang samapahan ng kasong paglabag sa Sec 11 Article II of RA 9165 .