Advertisers
Kulong ang isang lalaki nang itimbre sa pulisya na may dala itong baril habang pagala-gala sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sub-Station 10 sa Brgy.178 nang isang concerned citizen ang lumapit ala-1:00 ng madaling araw na may lakaki umanong may bitbit na batil sa Malanay St. Sto. Niño, Brgy.178.
Nang respondehan ng pulisya ang nasabing lugar, inaresto at kinumpiska ang dalang caliber .38 revolver na kargado ng apat na bala ng nasabing lalaki.
Nang hanapan nila ng mga papeles hinggil sa ligalidad ng naturang baril walang naipakita ang suspek na si alyas “Kupal”.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)