Advertisers

Advertisers

Tsuper lulong sa droga, sinilaban sarili at ini- live pa sa SocMed

0 43

Advertisers

Tuluyan ng nawala sa katinuan ang isang lalaking lango sa bawal na gamot at sinilaban nito ang sarili sa loob ng kanyang kubo sa Barangay Laiya Aplaya, San Juan, Batangas noong Huwebes.

Halos tupok ang buong katawan at wala ng buhay ang biktimang si alyas Jay nang maapula ang apoy.



Inil-ive pa nito sa Facebook ang pangyayari.

Base sa kuha sa kaniyang halos 10 minutong live video, nasa loob ng kubo ang biktima habang nakakalat ang mga gamit at nakalagay sa banig ang mga drug paraphernalia.

Ilang ulit nitong tinangkang sindihan ang mga nakabunton na damit at ilan pang gamit sa isang sulok ng kubo hanggang sa tuluyan na itong magliyab.

Dahil sa pagkalango, nagbanta pa ito na kapag nabuhay siya ay papatay siya ng mga pari.

Sinasabi na may kasamang tatlo sa labas ng kubo ang biktima subalit hindi ang mga ito makapasok matapos ipako nito at pinto at mga bintana ng bahay.



Ayon sa mga kaibigan nito, wala naman umano itong mabigat na problema at maayos din ang pamumuhay nito ng kaniyang pamilya kaya nagtataka sila at nanghihinayang sa ginawa ng biktima.