Advertisers

Advertisers

PALABRA DE HONOR NI SPORTS LEADER BAMBOL… SANA ALL!

0 9

Advertisers

TUNAY sa pagtupad ng kanyang mga palabra de honor, ipinagkaloob na ng Philippine Olympic Committee( POC) na kanyang pinamumunuan ang pabuya sa ating mga bayaning atletang medalists ng nakaraang Paris Olympics 2024.

Dalawang 2-storey houses at loteng tig-500 metro kuwadrado ang kaloob ng POC sa liderato ni Pres.( Cong.) Abraham ‘ Bambol’ Tolentino kay Paris Olympics double gold medalist Pinoy gymnast Carlos Edriel Yulo habang tig-isang bungalow na tig-200 square meters para naman kina boxing bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas sa balwarte ni Mayor Bambol sa Tagaytay City.

“It’s now a tradition, first is Hidilyn Diaz who deserve all the best for giving the country it’s first Olympic gold medal and now, it’s the turn of Caloy( Yulo), Nesthy and Aira to be feted with the same reward for their historic efforts, wika ni POC president Tolentino.”These athletes invested their lives into the sport they love and now they are reaping the fruits of their sacrifices.”



Sa liderato ni Cong.Bambol,nadama ng ating mga bayaning atleta ang tunay na kalinga mula sa kanilang namumuno.

“The POC doesn’t think twice about these rewards and Olympic medals, regardless of color is the most precious medal in sports,” ani pa Tolentino, pangulo din ng PhilCycling.

Si Yulo, Villegas at Petecio ay tumanggap din ng kaukulang pabuya mula sa goyerno at pribadong sektor dahil sa kanilang achievement sa nakaraang Paris Olympics 2024.

Tunay na lider na tiyak na siya pa rin hanggang 2028 LA Olympics, iyan si Bambol… SANA ALL!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">