Advertisers
IBINIDA ng pamahalaan ang inilunsad na bagong ‘manual of writing style’ ng Department of Justice (DOJ).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni DOJ Usec. Margarita Gutierrez na layon ng manual na ito na repasuhin at pag-isahin ang communication style at legal writing principles ng kagawaran.
Sa ganitong paraan, ayon kay Gutierrez, ay mas magiging epektibo ang paghahatid-impormasyon sa mga mamamayan.
Ipinunto ng opisyal na ang bagong manual sa komunikasyon ng kagawaran ay naaayon naman sa makabagong panahon.
Nabatid na ang manual ay magsisilbi ring blueprint sa legal writing, style at iba pang formal correspondence. (Gilbert Perdez)