Advertisers

Advertisers

Along at Oca Malapitan naghain na ng COC

0 7

Advertisers

Naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy o COC si incumbent Caloocan City Mayor Along Malapitan sa Grand Central, Monumento kasabay nito ang kaniyang amang si Congressman Oca Malapitan na nag-file naman sa San Juan.

Bago ang opisyal na paghahain, nagtipon muna ang mga taga-suporta ng mag-amang Malapitan sa harap ng San Roque Cathedral.

Dumalo ang mga ito sa misa upang ipakita ang kanilang suporta at pagtitiwala sa kaniyang liderato.



Matapos ang misa nagtungo na sa kani-kanilang destinasyon ang mga ito upang pormal na ngang ihain ang kani-kanilang COC.

Posibleng makalaban ng anak ni Malapitan si dating senador na si Antonio Trillanes III, na nagpahayag ng kaniyang pagnanais na tumakbo kamakailan bagama’t ‘di pa pormal na naghahain ng COC. (BR)