Advertisers
Nasawi ang isang binatilyo nang sumiklab ang sunog sa kanilang tahanan sa Binangonan, Rizal.
Kinilala ang biktima sa alyas “Cyrus”, 14-anyos at residente ng Belen St., Brgy. San Carlos, Binangonan.
Sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, 12:40 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tahanan ng biktima.
Nakulong umano ang biktima sa loob ng nasusunog nilang tahanan na nagresulta sa pagkamatay nito.
At 12:55 ng madaling araw nang maideklarang under control at tuluyang naapula ang sunog.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P7,500 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng sunog.
Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.