Advertisers
Umabot sa P27 million na halaga ng marijuana ang sinunog ng mga operatiba ng PNP Cordillera sa magkahiwalay na marijuana eradication sa probinsya ng Mt. Province at Benguet.
Ayon sa PNP Cordillera, aabot sa 75,000 piraso ng fully grown marijuana na may standard drug price na 15 million pesos at humigit kumulang sa 100,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang 12 million pesos ang nadiskubre ng mga operatiba sa Mt. Balitoc, Barangay Saclit Sadanga sa Mt. Province.
Sa probinsya naman ng Benguet, aabot sa 2,000 piraso ng fully frown marijuana na may standard drug price na 400,000 pesos ang nadiskubre din sa Barangay Tacadang Kibungan sa nabanggit na probinsya.
Ang lahat ng ito ay bibunot at sinunog on site, habang naglaan na lamang sila ng ebidensya upang isumite naman sa regional forensic unit ng PNP dito sa Cordillera