Advertisers
BUMAHA ng dugo sa loob ng sasakyan nang pagbabarilin ng isang sundalo ang kanyang asawa, biyenan at driver, sa bayan ng Gamu, Isabela nitong Huwrbes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Erlinda Ajel, misis ng salarin, biyenang si Lolita Ramos, at driver si Rolando Amaba, pawang mga residente ng Benito Soliven, Isabela.
Kasalukuyan naman nakakulong sa lock up facility ng Gamu Police Station ang salarin na si Sgt. Mark Angelo Ajel, naka-assign sa 503rd Infantry Brigade, Calanan, Tabuk City, Kalinga.
Sa report ng Gamu Police Station, naganap ang krimen nitong Huwebes (Oktubre 10, 2024) sa loob ng nasabing kampo sa 5th Infantry Division, Brgy. Upi, Gamu, Isabela.
Ayon sa pahayag ni Sgt. Rommel Narag, sa pulisya, nakita niya ang isang van na dumaan sa loob ng kampo at ilang minuto ang makalipas, nakarinig na ito ng magkasunod na putok ng baril.
Agad naman niyang ipinagbigay-alam sa kanyang mga kasamahan ang narinig nitong putok at dali-dali nilang itong pinupuntahan.
Pagdating sa sasakyan ng salarin nakita nilang hawak ang baril kaya agad nila itong inaresto habang ang mga biktima dinala sa ospital subali’t idineklara na rin patay ang mga ito ng doktor.
Sa ngayon inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen.
Nahaharap naman sa kasong parricide at 2 murder ang salarin.( Mark Obleada)