Advertisers

Advertisers

PALAGAY MO, PALAGAY KO

0 23

Advertisers

NATUWA ang marami sa hanay ng mga kontra-Duterte nang mabuo ang tinaguriang ‘QuadCom’ ng Kamara na dumidinig sa mga isyung ipinupukol sa dating administrasyon lalo na sa usapin ng ‘Extra Judicial Killing’ o EJK sa bansa.

Sa pinakahuling kaganapan ay mayroon nang mga kilalang malapit umano sa dating Pangulo ang tila nagbago na ang tono patungkol sa nasabing isyu lalo na yung mga naka tikim ng ‘Contempt’.

Pero sa palagay mo, tatayo kaya sa korte ang mga akusasyon na ito? Sa palagay nila, kulang na kulang at malayo pa sa katotohanan ang mga nakakalap na pahayag o ebidensiya upang idiin ang dating Pangulo.



Kung pagmamasdan natin ang mga pagtatanong ay marami sa mga ito ang maituturing na haka-haka, opinyon o kaya naman ay guni-guni na bunga ng ngitngit at galit laban sa Duterte.

Linawin natin! Hindi ito ibig sabihin na kinakampihan natin ang dating Pangulo kundi isang paalala lamang mula sa maraming nagmamasid sa ginaganap na pagdinig sa Kamara.

Halimbawa na lamang nang tanungin ang isang saksi sa naturang pagdinig ng mambabatas… sa palagay mo, sino ang nag-utos? Sa palagay ko ay si Duterte ang nag-utos, tugon naman ng saksi.

Sa palagay niya, sa palagay ninyo… sa palagay mo, sa palagay ko ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ang tanong at sagot dito ay pawang mga opinyon, haka-haka o guni-guni lamang.

Nagkaroon tuloy ng dahilan ang kabilang kampo upang ipunto naman nila na pinipilit at pinipilipit nang todo ang mga pahayag ng kanilang saksi upang idiin o idikit ang pangalan ng dating Pangulo.



Nang dahil diyan ay tinatawagan natin ng pansin ang lahat ng mga tauhan ng mga mambabatas na kabilang sa ‘QuadCom’ na kanila pang pag-ibayuhin ang kanilang trabaho upang hindi naman mapahiya ang kanilang ‘Prinicipal’ sa pagdinig.

Ikaw naman si ‘Prinicipal’ ay huwag naman basta makuntento sa mga bulong o payo ng iyong mga tauhan. Isipin din muna bago gamitin ang ebidensiya o taktika lalo kung mula ito sa tanga na, tamad pa na mga tauhan. Nasasayang lang…

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com