Advertisers

Advertisers

Deadline sa paglilinis ng mga libingan sa MNC, inurong sa Oct. 29

0 16

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na dahil sa naranasanv malakas na bagyo ng bansa nitong nakaraang araw, ang deadline na itinakda ng pamahalaang lungsod sa publiko para maglinis ng libingang ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North Cemetery (MNC) ay inurong sa October 29, 2024.

Ayon sa alkalde, ang advisory ay nauna ng inilabas noong unang linggo pa lang ng Oktubre o higit na mas maaga sa petsa ng paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day tuwing Nobyembre 1 at 2, upang mabigyan ang publiko ng sapat na panahon para maglinis ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Matatandaan na Ang MNC na pinamumunuan ni Director Yayay Castañeda ang siyang pinakamalaking sementeryo sa bansa ay may pinakamaraming naitatalang bisita lalo na kapag November 1 and 2.



Ang tanggapan naman ng MNC ay sarado mula October 27 hanggang November 3, 2024 at lahat ng serbisyo kabilang ang cremation at libing at babalik sa November 4.

Mula October 30 hanggang November 3, ang main gate ng sementeryo ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi lamang.

Nanawagan din si Lacuna sa publiko na sundin ang karaniwang ipinagbabawal at upang makaiwas sa aberya.

Ayon sa alkalde sa paggunita ng Undas sa loob ng sementeryo, lahat ng nakalalasing na inumin ay bawal, gayundin ang mga alagang hayup, flammable materials tulad ng thinner at pintura, baril, kutsilyo o mga katulad na bagay, mga paraphernalia para sa sugal at pagpatugtog ng malakas. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">