Advertisers
NAGLABAS ng mensahe ang singer-songwriter na si Chito Miranda matapos ang pag-aresto at pagkulong sa kaniyang maybahay si Neri Naig.
Nahaharap si Naig sa 14 bilang ng paglabag sa Securities Regulation Code. Bukod pa ito sa isinampang kasong ‘estafa’ at ‘syndicated estafa’ laban sa kanya.
Depensa ni Miranda, hindi kailanman nanloko at nanlamang ng kapwa ang kaniyang asawa.
Iginiit ni Chito na walang kinukuhang pera si Neri sa kahit na sinong tao. “Endorser lang siya, tapos ginamit ‘yung face niya to get investors. Kinasuhan siya ng mga nabiktima.”
Wala rin umanong natanggap na ‘notice’ o subpoena si Naig kaugnay ng kaniyang kaso.
“Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra… Eto ‘yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa ‘yung mga tunay na may kasalanan,” dagdag pa ni Chito.
Nakapagpiyansa na si Naig sa mga paglabag sa Securities Regulation Code. Pero nakakulong parin siya dahil walang piyansa ang kinakaharap niyang syndicated estafa.