Advertisers
TARGET ipatupad ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mas mahigpit na ‘monitoring’ sa mga presyo ng bigas na mabibili sa merkado.
Paiigtingin umano ng naturang kagawaran ang pagbabantay sa mga produktong ito upang maipagpatuloy ang programa ng pamahalaan na magkaroon ng murang mabibiling bigas.
Ibinahagi mismo ng kasalukuyang kalihim ng Department of Trade and Industry na si Secretary Maria Cristina Roque, isinusulong nila ang implementasyon ng pinaigting na pagmomonitor sa halaga ng mga pangunahing produkto.
Kung saan, ipinagmalaki rin ng naturang secretary ang kanilang malawak na kakayanan sa pagpapatupad nito dahil ani pa niya, mayroon silang mga regional at provincial directors na nakahandang makiisa sa plano ng kagawaran.
Dahil dito, tiniyak ng kalihim na bibigyan nila ito ng prayoridad kahit pa na sinabi rin nitong marami na umano silang binabantayang presyo ng iba’t ibang mga produkto.
Dagdag pa rito, siniguro naman ni Secretary Cristina Roque ang pakikipagtulungan ng kanilang kagawaran sa Department of Agriculture (DA) sa programa nitong murang bigas para sa publiko.