Advertisers
MAS mahigpit na hakbang sa paggamit ng government quarters para sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nag-udyok kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, na ipatupad ito matapos na arestuhin ang isang anak ng dating corrections officer at dalawang iba pa dahil sa pagkakasangkot nila sa hinihinalang iligal na droga sa San Ramon Prison and Penal Farm (ZPPF) sa Zamboanga, napag-alaman sa ulat noong Huwebes.
Ginawa ni Catapang ang pahayag kasunod ng pagkakaaresto kay Minimum Security PDL Jawewe Sakaluran Halil, Louie Ocampo, at asawa nitong si Fatima Madjid,mga security personnel ng BuCor.
Iniutos din ng BuCor chief kay SPPF C/SSupt. Daisy Sevilla Castillote na magsagawa ng masusing imbestigasyon at matiyak na walang government quarters na gagamitin para sa mga bawal na aktibidad. Ang isang ulat na isinumite ni Castillote ay nagpakita na, bago ang kanilang pag-aresto, isang intelligence report ang natanggap ng kanyang tanggapan mula sa isang kumpidensyal na impormante na nagsasabi na ang isang hindi kilalang Minimum Security PDL ay magpapanggap na bibili ng isang bagay sa tindahan na pag-aari ng mag-asawang Ocampo, na matatagpuan sa Family Shelter bilang isang quarter ng gobyerno.
Si Ocampo ay anak ni dating Corrections Officer Charles Ocampo, na nahiwalay sa serbisyo simula noong Marso ng nakaraang taon.
Sina Ocampo at Madjid ay walang direktiba na magkaroon ng bahay sa loob ng prison reservation, na labag sa Housing Policy ng BuCor, at sila ay nabigyan ng pinal na abiso upang lisanin ang lugar mula Abril 15 ng taong ito, sabi ni Castillote.
Nakasaad din sa ulat na bandang alas-8:45 ng umaga, tatlong Minimum Security PDL ang nakita, ngunit dalawa lamang ang tumuloy sa tindahan. Pagkatapos, isinailalim sila sa inspeksyon, at habang si CSO1 Silverio Garcia, Chief of the Response Security and Escort Command, ay nagsagawa ng paghahanap sa harapan ni Castillote, isang piraso ng brown tissue paper ang nahulog sa lupa mula sa pag-aari ni PDL Halil.
Sa pagsusuri, nakitaan ito ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu kung saan ay itinuro ni Halil na binili niya ang hinihinalang iligal na droga sa tindahan nina Ocampo at Madjid. Ipinag-utos ng opisyal ang agarang pagsasagawa ng isang Galugad kasama ang K9 Unit sa tindahan na pag-aari ni Ocampo kung saan nakumpiska ang mga kontrabando na kinabibilangan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu, 30 piraso ng strip aluminum foil, anim na lighter, tatlong improvised spatula, at isang pakete ng transparent plastic.
Ang lahat ng ebidensya ay itinurn-over sa PDEA para sa pagsusuri, habang ang mga indibidwal na naaresto ay itinurn-over sa PNP para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (JOJO SADIWA)