Advertisers

Advertisers

Tindahan ng shabu sa Zamboanga Prison

0 6

Advertisers

PINAIIMBESTIGAHAN ni Bureau of Corrections (BuCor) General Gregorio Catapang Jr., ang natuklasang bentahan ng iligal na droga sa loob mismo ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) na ginagawa nang drug den sa Zamboanga City, kasunod ng pagkakaaresto ng tatlo katao, kabilang ang isang person deprived of liberty (PDL) at anak noong Biyernes.

Iniutos din ni Catapang kay SRPPF C/SSupt. Daisy Sevilla Castillote na tiyaking walang gagamiting quarters ng gobyerno sa mga bawal na gawain.

Sa ulat, isiniwalat ni Castillote na may intelligence report hinggil sa pagtitinda ng iligal na droga ng mag-asawang okupante ng family shelter kaya nagpanggap ang isang PDL mula sa Minimum Security na buyer na tagumpay na nakabili ng shabu.



Ayon pa sa ulat, dalawang PDLs ang isinailalim sa inspeksyon nang magtungo sa tindahan at isa sa kanila ang nakuhanan ng brown tissue paper na naglalaman ng 3 sachet ng shabu.

Ang dalawa pang suspek, ang anak at manugang ni dating Corrections Office Charles Ocampo, na retired o wala na sa serbisyo noong Marso 2024. Wala rin direktiba na magmay-ari ng bahay sa loob ng prison reservation na labag sa Housing Policy ng BuCor at nabigyan na sila ng final Notice to Vacate the premises simula Abril 15 ng taong kasalukuyan, ani Castillote.

Ipinag-utos ni Castillote ang agarang pagsasagawa ng galugad kasama ang K9-Unit sa tindahan na pag-aari ng Ocampo, kungsaan nakumpiska ang mga kontrabando at kasabay nito ay ipinaalam sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Police Station 9.